Wednesday, March 11, 2009
Message to Sir Ampil :)
Sir, pinapasabi po ni Alex Go na ito na po daw yun bago niyang blogsite - http://alexander272.blogspot.com di daw po kasi niya kayo mahanap kanina. thank you sir!
PLONING
Ang pelikulang Ploning ay humakot ng mga parangal, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati rin sa ibang bansa. At para mabigyan ng ganitong mga papuri ang isang pelikula, ibig sabihin lamang ay talagang mahusay ito. Mahusay nga namang pelikula itong Ploning.
Kakaiba ang Ploning sa paraang kakaiba ang set-up at ang mga ginamit na simbolismo nito. Unang una na dito ang paggamit ng lychee. Hindi karaniwan ang ganitong teknik sa karamihan ng mga istorya. Ang lychee ay ang pagkain na hindi nawawala sa mga handa nila Ploning tuwing may pista bayan ng Cuyo, Palawan. Isa ito sa mga inaasahan ni Digo sa taunang selebrasyon. Si Digo ay anak ni Juaning na malapit na malapit ang loob kay Ploning. Parang mag-ina na ang turingan ng isa’t isa. Hindi kasi madalas makasama ni Digo ang kanyang ina na si Juaning sapagkat hindi ito makalakad.
Si Ploning ay ang dalagang anak ni Susing. Kilala siya sa bayan niya at malapit siya sa mga ito. May ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa Maynila dahil kay Tomas, ang kanyang kasintahan.
Epektibo ang teknik na ginamit ng pelikula na hindi man lamang pinasulyap ang imahe ni Tomas. Lagi lamang nababanggit ang pangalan nito ngunit bukod dito ay wala nang iba pang impormasyon na ibinahagi sa kwento.
Ang karakter ni Celeste ay ang isa sa mga pinaka epektibong karakter sa pelikula. Kumbaga, isa siya sa mga nagbigay daloy at kulay sa kwento. Ang mataray at matapang niyang personalidad; ang pagkakarooon niya ng sariling Tomas sa buhay niya; at ang hindi mabilis niyang pagka-gusto kay Ploning ay nakatulong sa pagbuhay sa medyo malalim na kwento ng pelikula.
Ang paggamit ng ibang simbolismo katulad ng asin, ulan at ang puting damit ni Ploning ay nakatulong din ng mainam sa istorya. Ito ang mga bagay na hindi pumalyang pag-isipin ang mga manonood.
Sa climax ng istorya, sa mga bahaging nalalaman na ng ibang tao ang katotohanan sa misteryosong buhay ni Ploning, kasama na ang pagka-tuklas ni Celeste ng katotohanan tungkol kay Digo at kay Tomas, tagumpay ang pelikula sa pagtapik sa emosyon ng mga manonood. Diskreto man ang mga paraan ng pagbibigay ng mga rebelasyon tungkol sa buhay ni Ploning, mahusay pa rin ang pag deliber ng kahulugan ng bawat aksyon o movement sa pelikula.
Hindi lamang sa daloy ng kwento maibibigay ang magaganda at natatanging papuri para sa pelikula kung hindi sa mga gumanap na rin. Magmula kay Nieves, Alma, Juaning, Intang, Celeste, Digo, at Ploning – lahat ng mga karakter na ito ay napaka husay na nabigyan ng hustisya ang pelikulang Ploning.

KABUGAN paper critic
Para maging isang major production ng pinaka sikat na theatre organization sa University, hindi nag tagumpay ang Kabugan sa dalawang dula-dulaan nito na ipinalabas noong nakaraang buwan.
Unang tinanghal ang “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”. Ito ay kwento ng isang lalaki at isang babae na nagkakilala sa isang zoo isang araw. Mabilis ang mga pangyayari, idagdag pa ang sobrang pagka-idealistic nito na bigla nalang silang nag ka-gustuhan sa isa’t isa. Patuloy ang pagkikita nila sa parehong lugar ng mga sumunod pang mga araw.
Iisa lang ang setting ng kwento, sa zoo lamang. At tanging ang dalawang ito lamang ang pokus ng istorya.
Sa mga nagdaang araw, magkasama lang silang dalawa sa zoo habang mas lalo pang kinikilala ang isa’t isa. May asawa na sa kwento ang lalaki. Alam naman ito ng babae pero nagpatuloy parin siya sa pagkagusto rito kahit na alam niya ang totoong sitwasyon. Hanggang sa isang araw ay nagkita-kita na silang tatlo kasama ang asawa ng lalaki. At doon nangyari ang pagpatay ng asawa ng lalaki sa dalawang bida.
Hindi ko nagustuhan ang dulang ito sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Isang malaking disappointment mula sa Teatro Tomasino ang kawalan ng sensibilidad ng mensahe ng palabas. Hindi maiiwasang maitanong ng mga manonood nito na, “anong point?” Napaka babaw ng kwento, parang hindi nila kinonsider na halos lahat sa awdyens nila ay nasa college level na o mas matanda pa, para gumawa sila ng ganoong kababaw na istorya.
2. Walang thrill o excitement na inudyok sa mga manonood. Sa madaling sabi, boring. Hindi man lang nakakatawa, nakakaiyak, nakakalungkot, o nakakatakot. Pwede pa siguro ay nakakainis.
3. hindi nabigyan ng hustisya ang pamagat ng dula. Maganda pa naman sana ang pamagat nito, ngunit hindi ito nag reflect o ipinakita man lang sa dula.
Para naman sa ikalawang dula na pinamagatang “Anino”, mas maayos ito kung ikukumpara sa una. Makikitang binigyan importansya ang effects, costume, at mga kagamitan sa kwento.
Ang Anino ay tungkol kay Luna, isang biyuda at pangalawang ina ni Maryo. Si Luna ay nanirahan na sa gubat kung saan wala siyang kasama o kapitbahay dahil kinasusuklaman siya nga mga tao sa kanilang lugar. Sinasabi nilang may malas daw na nakakabit sa babaeng ito. Si Luna ay nag-karelasyon kay Maryo, anak ng kanyang yumaong asawa. Nabuntis ni Maryo si Luna ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ito. Simula noon ay mas lalo pang naging miserable ang buhay ni Luna. Sinasabi niya kay Mario na may mga multong laging nanggugulo sa kanya at ayaw siyang tantanan. Hanggang sa isang gabi ay napatay na lamang ni Luna ang lalaki. Noon niya nalaman na tanging konsensya lang pala niya ang gumugulo sa kanya – mga multong siya mismo ang lumikha.
Gaya ng nasabi, mas maayos para sa akin ang dula na ito kay sa doon sa una, ang “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon Minsan sa Isang Taon”. Mapapaisip ka talaga sa mga nangyayari sa mga eksena. Ngunit ang hindi maganda rito ay ang pagiging konsentrado sa da-dalawang karakter, katulad ng nangyari sa unang dula. Dahil sa ganitong set-up, hindi epektibo ang layunin ng mga dulang ito na makuha ang sapat na atensyon ng awdyens dahil ang tendency ay ma-boring ang mga ito sa iisang uri ng set-up ng dula.
Kung sa sensibilidad ng kwento, hindi rin masyadong tagumpay ang dulang ito. Walang rin itong excitement o thrill na inudyok sa mga manunuod. Ang tanging tunay na mahusay lamang sa dulang ito ay ang mga gumanap sa karakter.
Maiitindihan ko pa siguro kung bakit ganito ka-walang buhay ang mga dula-dulaang ito kung galing ito sa isang maliit na acting organization at kung minor production ito. Ngunit para masabing major production ng isang major acting organization, ang Kabugan ay hindi nag tagumpay.

"Only You" (pocketbook paper)
“Only You”
Martha Cecilia
I. Sinopsis
Nang mapangasawa ng ina ni Erika ang ama ni Nico, naging malapit na ang binata sa mga ito. Lalong dumalas ang pagbisita at pangungumusta ni Nico sa mag-ina nang pumanaw ang ama ni Nico na napangasawa ng ina ni Erika. Ngunit kailanman ay hindi naging maganda ang pakikitungo ni Erika kay Nico. Hindi naging maganda ang naging impresyon ng dalaga sa binata kaya ganoon na lamang ang pagiging mailap niya dito, bukod pa sa pakiramdam niya ay masyadong nanghihimasok sa buhay nilang mag-ina si Nico.
Sa dalawang pumalyang relasyon ni Erika sa kanyang buhay pag-ibig, laging may kinalaman si Nico. Ang laging paliwanag ng binata ay nagmamalasakit lang naman daw ito dahil na rin sa katayuan ng pamumuhay ni Erika. Maganda at matalino si Erika, bukod pa sa mayaman ang pinanggalingang pamilya nito. Sa mga naging ka-relasyon niya, hindi nawawala ang elemento ng panloloko sa dalaga at si Nico ang laging nakakatuklas ng mga ka-anumalyahan ng mga lalaking iyon.
Nagpakasal si Nico at si Erika. Para kay Nico, dahil iyon sa pagmamahal niya kay Erika at pati na rin sa kapakanan ng negosyo ng kanilang pamilya. Kay Erika naman, gusto lamang niyang mapasaya ang kanyang ina na botong-boto kay Nico.
Sa lahat ng pagkakataon ay naging maunawain si Nico kay Erika sa kanilang malamig na pagsasama bilang mag-asawa. Alam niyang simula’t sapul ay hindi naman talaga pabor dito ang dalaga. Ngunit hindi ito naging dahilan para tumigil siya sa pag-asang balang araw ay matutunan rin siyang mahalin ni Erika.
Nang maaksidente si Nico, tila nabaliktad ang mga pangyayari. Ngayong mahal na mahal na ni Erika si Nico, paano na lamang niya maibabalik ang dating maganda, romantiko, at maunawaing pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa? Talaga bang huli na ang lahat para mai-tama ni Erika ang lahat ng kanyang naging kasalanan kay Nico? Kaya pa ba siyang tanggapin ni Nico sa ngalan ng pagmamahal sa kabila nang lahat ng nagawa nito sa kanya?
II. Pagsusuri ng Estilo ng Akda
Ang akda ni Martha Cecilia na “Only You” ay isinulat sa pamamaraang moderno at radikal. Maaring dahil rin ito sa moderno at may pagka-liberal na setting at daloy ng kwento na maipapakita sa palitan ng dayalogo ng mga karakter. Makikita ang presensya ng mga salitang pormal, impormal at kolokyal sa nasabing akda.
Sa kategorya naman ng himig ng pagkakasulat, ipinakita ng may-akda ang iba’t ibang daloy ng pagsasalaysay. Kadalasan, makikita sa pag-uusap nila Erika at Nico ang pagragasa ng mga salita sapagkat karaniwan na ang tensyonadong diskusyong sa pagitan ng dalawang ito.
Sa mga bahagi ng akda na si Erika lamang ang ipino-pokus, ang himig ng paglalahad ay nagiging mabagal. Maaring dahil sa mga pagkakataong ito ay sinusubukang mailarawan ng maayos at malinaw sa akda si Erika, na naging epektibo naman.
Makikita ang payapang pagdaloy ng salaysay sa mga huling bahagi ng istorya, kung saan naganap ang karamihan sa mga realisasyon at sa pagmumuni ni Erika tungkol sa estado ng kanyang pag-ibig at relasyon kay Nico.
Sa ibang usaping diksyon katulad ng kahulugan ng mga salita, mapapansin na nangingibabaw ang paggamit sa konotasyon. Masasabing dahil ito sa moderno at radikal na daloy ng akda. Ang presensya ng mga tag-lish na salita ay makikita rin madalas sa istorya.
Parehong may pormal at impormal na paggamit ng wika ang akda. Ang impormal ng mga wika nito ay makikita sa halos buong parte ng kwento, habang ang pormal naman ay nasa piling bahagi katulad na ng paglalarawan sa mga pangunahing karakter at sa mga seryosong usapan sa pagitan ni Erika at ni Nico lalo na kung ang pinag-uusapan nila ay tungkol sa estado ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Hindi masyadong mapapansin ang mga tayutay na ginamit sa akda. Kung mayroon man ay maaring simile lamang. Maaring dahil ito sa pagiging mas impormal kaysa pormal na estilo ng storya, kaya ang presensya ng mga tayutay na alusyon o kahit hayperboli man lang ay hindi mararamdaman.
Ang mga salitang tiyak ay mapapansin sa mga paglalarawan sa mga karakter at sa ilang maiinit na eksena na mayroon sa akda. Katulad na lamang halimbawa ng, “Nanunuot sa kalamnan ni Nico ang tinig ng asawa. They are not even touching pero pakiramdam niya ay hinahaplos ng tinig nito ang buong pagkatao niya.”
III. Kongklusyon
Madali malaman ang estilo na ginamit ng awtor sa kanyang akda at hindi rin naman ganoon kahirap intindihin ang maaaring dahilan dito. Hindi gumamit ng masyadong pormal at malalalim na salita at estilo, kasama na ang iba’t ibang klase ng tayutay, ng pananalaysay ang may-akda sapagkat baka hindi maunawaan ng target nitong mambabasa ang kwento. Mapapansin na masyadong mababaw ang daloy ng kwento kaya masasabing karaniwang na tao ang pangunahing target na magbabasa ng akda, kung ikukumpara sa ibang mga klase ng literatura.
At base dito, nagtagumpay naman sa pag-balanse ng estilo ang awtor. Hindi nagkulang ang may-akda sa pagsasama-sama ng klase ng lenggwahe at kung paano niya ito ipinakita sa kanyang akda. Dahil maayos ang estilo na ginamit ng awtor, maganda ang kinalabasan ng akda – mula sa istruktura nito hanggang sa mismong laman ng bawat salitang binitawan nito.

"DAYUHAN"
Dayuhan
Bahagi na sa alinmang aspeto ng buhay ng tao, mapa-buhay pag-ibig o buhay-eskwela, ang makakilala at makahalubilo ng mga “dayuhan.” Madalas nga ay nakikilala o nakakadaong-palad natin ang mga ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Kadalasan di’y hindi natin namamalayang ang mga ito ay dumarating sa buhay natin hindi lang para sa isang maikling kamustahan, kung hindi para mag-iwan ng ala-ala o kung di naman ay ilang pangaral tungkol sa buhay.
Dayuhan ang tawag sa taong hindi sibol ng isang lugar na kasalukuyang kinaroroonan. Ito ay isang estranghero o banyaga ng isang pook na kanyang napadparan. Karaniwang ang mga ito ay nagiging dayo sa isang lugar kung saan mayroon silang ilang bagay na kailangang matamo o magampanan. Sa ilang pagkakataon, ang mga dayuhang ito ay nagagawi sa isang lugar dahil sa partikular na misyon na kinakailangan nilang maisagawa.
Ang mga estrangherong ito ay hindi naiiba sa mga karakter na bumubuo sa iba’t-ibang kaganapan sa ating buhay. Sa buhay pag-ibig mas nadadalas ang pagsipot ng mga dayuhang ito. Ang isang taong hindi natin sukat-akalaing magiging mahalaga sa atin, sa kinalauna’y siya palang magiging napakahalagang bahagi ng buhay natin. Sa isang ordinaryong araw ay makikilala ang isang ordinaryong estranghero sa isang tila ay napaka ordinaryong sitwasyon. Ganito ka-ekstraordinaryo kadalasan ang sitwasyon.
Ngunit dahil sa sila ay naturingang mga dayuhan lamang, hindi lahat sa kanila ay maaaring manatili. May ibang kinakailangan humiwalay at lumisan. Dalawang sitwasyon lamang ang maaaring kahantungan ng nasabing pag-alis at pagbukod. Maaaring maganap ito ng maluwag sa loob ng maghihiwalay na panig o ang kabaliktaran nito kung saan nauuwi sa isang hindi maganda at mapait na hiwalayan.
Sa alinmang kongklusyon humantong ang sitwasyong ito, isa lang ang hindi magbabago: sa bawat pag dayo na nagaganap sa buhay ng tao, lagi itong may kaakibat na tungkuling kailangang matamo – manatili man o lumisan ang dayuhan.

Subscribe to:
Posts (Atom)